𝟒𝟐 𝐢𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮(𝐭𝐡) 𝐂𝐨𝐧𝐧𝐞𝐜𝐭 𝟐.𝟎 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐧𝐠 𝐏𝐋𝐀𝐍 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥, 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐫𝐞𝐞𝐫 𝐆𝐮𝐢𝐝𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐝𝐯𝐨𝐜𝐚𝐜𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐂𝐆𝐀𝐏) 𝐬𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐢𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨

Sa ilalim ng CGAP ng MBHTE – TESD Maguindanao Provincial Office, sinisikap ng opisina na maalalayan nito ang mga kabataan sa pagpili ng kanilang mga tatahakin na kursong pang TekBok upang magamit nila ito sa pagpapaunlad ng kanilang kinabukasan.

Kung kaya’t sa ilalim ng You(th) Connect 2.0 Project ng PLAN International, nagbigay ang MBHTE – TESD Maguindanao Provincial Office ng Career Guidance sa apatnaput dalawa (42) benepisyaryo nito upang matukoy ng mg kabataan kung ano pa ang pwede nilang matutunan na mga Skills Training at kung papaano nila ito magagamit sa kanilang paghahanap buhay sa hinaharap. Matapos ang pag – uusap, natukoy na Cookery NC II at Small Engine Servicing NC II ang nais matutunan ng mga iskolars.

Ang PLAN International ay isang organisasyong di-pampamahalaan na naglalayong makatulong sa mga kabataang di nabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa pamamagitan ng pagsulong ng kanilang karapatan sa edukasyon.

Ito ay ginanap noong August 29, 2023 sa Ganasi, Upi, Maguindanao del Norte, BARMM.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

All reactions:

55

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *