𝟒𝟓𝐭𝐡 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐏𝐫𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 & 𝐑𝐞𝐡𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐝𝐢𝐧𝐚𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 – 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞

Animnaput anim o 66 Persons With Disabilities (PWDs) ang nagtipon-tipon para sa taunang National Disability Prevention and Rehabilitation Week na ginanap sa Municipal Gym, Parang, Maguindanao noong July 17, 2023.

Layunin ng nasabing aktibidad na mas palawigin pa ang aksesibilidad at karapatan ng mga taong may kapansanan na magiging daan tungo sa kanilang sustenableng kinabukasan na walang maiiwan.

Maliban sa MBHTE – TESD Maguindanao Provincial Office, kasama rin sa nasabing aktibidad ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa pangunguna ni Mr. Ramil S. Mama, si Police Lieutenant Andro M. Maapni 1401st RMFC – RMFB14 ng Philippine National Police, si Ms. Amila Rose B. Enok ng Local Health Insurance Office (LHIO) – Datu Odin Sinsuat (DOS) at si Mr. Nestor I. Cabigas, Jr., Ministry of Social Services and Development (MSSD) PWD focal.

Patuloy ang koordinasyon sa gitna ng MBHTE – TESD Maguindanao Provincial Office at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) upang matukoy ang mga angkop na skills training para sa mga PWDs.

Labis ang pasasalamat ng mga PWDs sa pagkakataong ibinigay sa kanila upang mas mapabuti pa ang kanilang mga buhay.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *