𝟒𝟓 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐂𝐂𝐌𝐃𝐂 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐓𝐈𝐏
Ang Cotabato City Manpower Development Center ay matagumpay na nagsagawa ng Training Induction Program (TIP) nitong araw lang ng Huwebes Ika- Labing Pitong araw ng Agosto ngayong taon.
Ang mga nasabing trainees ay magsasanay ng Carpentry NCII na may kabuuang dalawampu’t lima (25) at Trainers Methodology Level 1 o TM1 na may kabuuang dalawampu (20).
Ang mga magsasanay ay inorent sa pangunguna ni CCDO Scholarship Focal na si Sittie Rahima Puntuan, CAC Focal na si Nasrudin Kusain at ang iba pa nilang kawani na si Esrail Mohammad.
Ang nasabing programa ay kabilang sa BSPTVET o Bangsamoro Scholarship Program for TVET.
Ang layunin ng Training Induction Program na ito ay para ipaalam sa mga iskolar ang kahalagahan ng programa sa pagsasanay sa pagbibigay ng mga oportunidad at kasanayang mahalaga para sa trabaho.