𝟒𝟓 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐓𝐈𝐏

Upang masimulan na ang pagsasanay ng 45 trainees sa kwalipikasyon ng Animal Production (Poultry-Chicken) NC II (20 slots) at Dressmaking (25 slots), ay isinagawa ang Training Induction Program sa Simsiman, Pigcawayan, SGA noong June 7, 2023 katuwang ang TVI ng Upi Agricultural School . Academy at ang TVI ng Darussalam Institute of Technology.

Matagumpay na naisagawa ang Training Induction Program para sa 45 na trainees na kabilang sa programang BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro. Ilan sa mga benepisyong matatanggap nila ay libreng kasanayan, libreng assessment, VTT, at TSF Allowance.

Nagpahayag naman ng pasasalamat at kahandaan ang mga trainees para sa pagkakataong magkaroon ng libre at kalidad na kasanayan.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *