𝟒𝟖 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓𝟐𝟎𝟐𝟑, 𝐧𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬

Nagtapos ang 48 scholars, sa pangunguna ni MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center

Ang mga nagtapos ay mga Tile Setting NC II scholars, na mula sa Munisipalidad ng Ditsaan Ramain. Kasama rito ang mga kabataang lalake na nag-aaral ng Arabic sa Darul Ebtisam Litahfiedhel Qur’an Al-kareem. Bukod sa Training Certificate, tumanggap din sila ng training support fund.

Dumalo sa seremonya si Otowa Hadji Ali bilang Guest Speaker, na siyang nakipagusap kay Chief Macapaar at naging tulay upang maisagawa ang community-based training na ito sa Ditsaan Ramain. Kasama rin sa dumalo at nagpakita ng suporta sina Local Youth Development Officer (LYDO) Rakim Mama, Asst. Professor IV at SHS Principal Gaphor Panimbang, at Brgy. Talub Chairwoman Norhaimah Rakim Ditucalan.

Ang seremonyang ito ay naglalayong kilalanin ang mga pagsisikap na ibinigay at inialay ng mga iskolar sa panahon ng pagsasanay.

Ginanap ang seremonya sa SB Gymnasium, Brgy. Sundiga Bayabao, Ditsaan Ramain, Lanao del Sur.

#GanapSaPCMDC#TESDAAbotLahat#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *