๐๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐๐
Ang Cotabato City Manpower Development Center ay matagumpay na nagsagawa ng Training Induction Program (TIP) nitong araw lang ng Lunes, unang araw ng Abril ngayong taon.
Ang mga nasabing trainees ay magsasanay ng Carpentry NCII na may kabuuang dalawampu’t lima (25) at Trainers Methodology Level 1 o TM1 na may kabuuang dalawampuโt lima rin (25).
Ito ay pinangungunahan ni CCMDC Center Administrator Engr. Moheden R. Saribo. at dinaluhan din nina CCDO District Head na si Engr. Kalimpo Alim, CCDO Planning Officer na si Engr. Rasul Datukali at si Esrail Mohammad.
Ang mga magsasanay ay inorent sa pangunguna ni CCDO Scholarship Focal na si Sittie Rahima Puntuan.
Ang nasabing programa ay kabilang sa BSPTVET o Bangsamoro Scholarship Program for TVET.
Ang layunin ng Training Induction Program na ito ay para ipaalam sa mga iskolar ang kahalagahan ng programa sa pagsasanay sa pagbibigay ng mga oportunidad at kasanayang mahalaga para sa trabaho.