𝟭𝟭𝟬 𝘁𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲𝗲𝘀 𝘀𝘂𝗺𝗮𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝘀𝗮 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝘀𝗮 𝗽𝗿𝗼𝗯𝗶𝗻𝘀𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻
Anim na pung (60) trainees ng 2023 Bangsamoro Scholarship Program para sa TVET at limampung (50) trainees naman ng 2022 BSPTVET Food Security Convergence Program ang sumailalim sa Training Induction Program sa apat na magkahiwalay na mga TVET Providers sa Basilan.
Sila ay magsasanay ng (HEO) Road Roller NC II sa loob ng 15 na araw sa Hardam Furigay Colleges Foundation, Inc. (HFCFI) habang ang apatnapung (40) trainees naman ay magsasanay ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II sa loob ng 35 days sa Ma’had Mukhtar Liddirasatil Islamiyyati, Inc. at Concerned Alliance of Professionals and Students, Inc. (CAPSI).
Ang limampung (50) trainees naman ng BSPTVET Food Security Convergence Program ay magsasanay ng Cookery NC II sa loob ng 40 na araw sa Hardam Furigay Colleges Foundation, Inc. (HFCFI) at Agricultural Crops Production NC II sa loob ng 42 na araw sa Mindanao Autonomous Colleges Foundation, Inc. (MACFI).
Ito ay naganap sa buwan ng Hulyo, ika-25, ika-27, ika-29 at sa buwan ng Agosto, ika-11 sa taong 2023 sa Brgy. Limo-ok, Lamitan City, Brgy. Upper Cabengbeng at Brgy. Basak, Sumisip at D. Flores Street, Lamitan City, Basilan Province.
Ito ay naging matagumpay sa pangunguna ni Officer-in-Charge Ismah A. Abbisi, Scholarship Focal Muhmin J. Edrosolo, Partnership and Linkages Focal Enteng A. Ahmad at iba pang staff ng TESD Basilan katuwang ang lahat ng TVET Providers ng ahensya.