100 trainees sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program
100 trainees sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program para sa TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro at Special Training for Employment Program ng MBHTE TESD Tawi-Tawi ang nakapagtapos at nakatanggap ng kanilang training certificate at training support fund sa Languyan, Tawi-Tawi noong September 9
Ang mga graduates ay mula sa DZAJ Tawi-Tawi Technological Institute,Inc. and Assesment Center at Tawi-Tawi School of Arts and Trades at nakapagtapos sa mga sumusunod na kwalipikasyon: Carpentry NC II, Bread and Pastry Production NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, Shielded Metal Arc NC II at Dressmaking NC II.
Naging matagumpay ang closing ceremony at pamamahagi ng training support fund sa mga trainees sa pamumuno ni Provincial Director Maryam Nuruddin. Nagpapasalamat ang trainees sa TESDA National at MBHTE TESD BARMM para sa oportunidad na hatid ng BSPTVET at STEP upang mapabuti ang socio-economic status ng mga mamamayan ng Tawi-Tawi.
Dinaluhan naman ni Hon. Nursidy Tambutoh, former Councilor, Hon. Hasbi Matba,former Vice Mayor at Hji. Abidin Nuruddin, Executive Assistant IV at PESO Manager 1 ang nasabing programa at taos-pusong nagpapasalamat ang butihing Provincial Director ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi.