110 na Decommissioned Combatants sumailalim sa TIP
Isinagawa ang Training Induction Program sa RH5, Cotabato City noong November 30,2022 para sa mga Decommissioned Combatants na kabilang sa STEP o Special Training for Employment Program.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa kung saan ipinaliwanag ang kanilang mga tungkulin at benepisyong makukuha sa pagsali sa nasabing programa.
Kabilang ang tatlong TVI na magsasanay sa kanila sa iba’t ibang larangan ng kasanayan. Ang TVI ng Ebrahim Institute of Technology, Inc. na magtuturo ng Electrical Installation and Management NC II (45 slots) Farasan Institute of Technology, Inc. na magtuturo ng Dressmaking NC II (45 slots) at Ittihadun Nisa Foundation naman ang magtuturo patungkol sa Bread and Pastry Production NC II (20 slots).
Nagpahayag naman ng kooperasyon at pasasalamat ang mga nasabing Trainees sapagkat ito ay kanilang gagamitin sa pag-angat ng kanilang kabuhayan.