125 na Trainees matagumpay na nagtapos sa ilalim ng BSPTVET

Masayang nagtapos ang 125 na Trainees sa ilalim ng BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro kung saan nagkaroon sila ng libreng kasanayan na kanilang gagamitin sa pagtatrabaho o pagnenegosyo.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa na isinagawa sa Upi,Maguindanao katuwang ang TVI ng Colegio De Upi, Upi Agricultural School, Farasan Institute of Technology, Inc., at Ittihadun Nisa Foundation.

Ang mga nagtapos ay nagsanay ng ACP NC II, OAP NC II, Carpentry NC II, BPP NC II, SMAW NC II and Small Ruminants.Kasabay ng kanilang pagtatapos ay ipinamahagi din ang TSF allowance. Labis na pasasalamat naman ang ipinahayag ng mga nakapagtapos sa mga benepisyong natanggap nila.

#mbhtemaguindanao #BSPTVET #GraduationCeremony #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *