145 na Trainees kabilang sa TIP sa ilalim ng STEP

Sa pagsisimula ng pagsasanay ng mga Decommissioned Combatants sa programa ng STEP o Special Training for Employment Program ay isinagawa ang Training Induction Program sa Paglat Memorial College na matatagpuan sa Paglat, Maguindanao. Ito ay isinagawa upang talakayin ang mga paghahandang dapat nilang gawin sa pagsasanay.

40 Trainees ang magsasanay ng Carpentry NC II at 20 naman ang sa EIM NC II na parehong magsasanay sa Goldtown Technological Institute, Inc. Samantalang 60 naman ang magsasanay ng BPP NC II sa Maguindanao Institute of Technology and Learning Center, Inc. at 25 na Trainees naman ang magsasanay sa Buluan Technical Educational School of Life ng Dressmaking NC II.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa katuwang ang mga nasabing TVI sa implementasyon. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre.

#mbhtemaguindanao #TIP #STEP #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *