165 na Trainees masayang nakatanggap ng Training Support Fund allowance
Isinagawa ang pamamahagi ng Training Support Fund allowance sa Kabacan, North Cotabato kung saan dumalo ang mga kinatawan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office, mga pinuno mula sa iba’t ibang TVIs at mga miyembro ng MAFAR o Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform.
Ang mga nagtapos ay nagsanay mula sa TVIs ng Libungan Torreta Academy, Inc., Kadayangan Academy, Inc., Pagalungan Training and Assessment Center, Upi Agricultural School at Datu Ibrahim Paglas Memorial College.
Nagsanay sila ng ACP NC II, Animal Production NC II, Pest Management NC II at OAP NC II. Labis na pasasalamat naman ang ipinahayag ng mga nakatanggap ng kanilang benepisyo na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.