165 na Trainees masayang nakatanggap ng Training Support Fund Allowance

Ipinamahagi sa Simuay, Sultan Kudarat ang mga benepisyo ng mga nakapagtapos ng kanilang pagsasanay mula sa mga TVI ng Ebrahim Institute of Technology,Inc., Farasan Institute of Technology, Inc., Eastern Kutawato Islamic Institute, Inc., Goldtown Technological Institute, Inc., at Upi Agricultural School.

Labis na tuwa ang ipinakita ng mga nakatanggap ng kanilang Training Support fund allowance pagkatapos ng kanilang pagsasanay ng Pest Management (Vegetable) NC II at Agricultural Crops Production NC II.

Mahigit walong libong piso ang natanggap ng mga nakapagsanay na nagpahayag ng pasasalamat sapagkat ito ay kanilang gagamitin sa pagsisimula ng maliit na negosyo upang umangat pa ang kanilang kabuhayan.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind #OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *