165 na Trainees matagumpay na nakapagtapos sa ilalim ng Food Security Program
Ipinagdiwang ang pagtatapos ng mga Trainees mula sa iba’t ibang Technical Vocational Institutes na kabilang sa Food Security Program. Isinagawa ang pagdiriwang sa Kabacan, North Cotabato kung saan dumalo ang mga kinatawan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office, mga pinuno mula sa iba’t ibang TVIs at mga miyembro ng MAFAR o Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform.
Ang mga nagtapos ay nagsanay mula sa TVIs ng Libungan Torreta Academy, Inc., Kadayangan Academy, Inc., Pagalungan Training and Assessment Center, Upi Agricultural School at Datu Ibrahim Paglas Memorial College.
Nagsanay sila ng ACP NC II, Animal Production NC II, Pest Management NC II at OAP NC II. Pagkatapos ng pagdiriwang ay ipinamigay din ang kanilang Training Support Fund Allowance. Labis na pasasalamat naman ang ipinahayag ng mga nakatanggap ng kanilang benepisyo.