185 na Decommissioned Combatants dumalo sa TIP sa ilalim ng STEP
Upang simulan ang pagsasanay ng mga Decommissioned Combatants alinsunod sa Normalization Program ay isinagawa ang Training Induction Program sa Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao para sa mga kwalipikasyon ng Dressmaking NC II (25 slots), EIM NC II (40 slots), BPP NC II (40 slots), Carpentry NC II (40 slots), Cookery NC II (20 slots), at Animal Production (20 slots).
Ang isinagawang programa ay sa ilalim ng STEP o Special Training for Employment Program kung saan magkakaroon sila ng libreng pagsasanay, libreng assessment, training support fund allowance at tool kits.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa katuwang ang mga TVI ng Lamalan Balis Flash Image Learning Center, Inc., Foureych Technical Vocational & Learning Center, Inc., Mamasapano Technical Vocational Education and Training Center, at Ittihadun Nisaโ Foundation.
Labis na pasasalamat naman ang ipinahayag ng mga nabigyan ng pagkakataong magsanay at magkaroon ng kalidad na kasanayan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
#mbhtemaguindanao #TIP #STEP #EO79 #NormalizationProgram #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat