20 Inmates sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET, Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro (TTPB) 2022
20 Inmates sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET, Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro (TTPB) 2022 ang nakapagtapos at nakatanggap ng kanilang training certificates at training support fund sa isinigawang Closing Program sa Provincial Jail, Motorpool, Bongao, Tawi-Tawi nitong September 21, 2022.
Nakapagtapos ang mga ito sa TVI ng Mahardika Institute of Technology sa probinsya at nakapagtapos sa kwalipikasyon ng PV SYSTEM INSTALLATION NC II.
Naging matagumpay ang closing ceremony at pamamahagi ng training support fund sa mga inmates sa pamumuno ni Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin at sa tulong ni Gilbert Fabricante. Nagpapasalamat ang Provincial Director ng MBHTE-TESD, Tawi-Tawi sa chief warden.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi PD, Staff, trainer, at katuwang sa pghatid ng programa sa loob ng inmates .
Laking pasasalamat naman ng mga grumaduates dahil sa kanilang natanggap mula sa TESDA at MBHTE-BARMM dahil ito’y isang karangalan sa kanila nabigyan sila ng ganitong training at laking tulong sa kanila upang maipamigay nila ang kanilang pera sa kanilang pamilya.
#nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat #BSPTVETTPB2022 #Inmates