2022 YEPA and 2023 Operational Planning isinagawa ng MBHTE-TESD Basilan

Isang matagumpay na pagsasara ng taon at pagbubukas ng panibagong kabanata para sa opisina ng MBHTE-TESD Basilan ang naganap nito lamang Enero 06, taong 2023 sa Kasinnahan Hotel, Isabela City, Basilan na kung saan ang pangunahing layunin nito ay suriin ang lahat ng kaganapan sa taong 2022 at bigyang direksyon ang Operational Planning para sa taong 2023.

Tinalakay ng grupo ang Office Performance Commitment and Review as of December 31, 2022 kasama na rin ang Formulation of 2023 OPCR and Work and Financial Plan na kung saan sila ay nagkaroon ng group discussion patungkol sa budget na kakailanganin para sa mga aktibidad ng bawat focalship. Isa itong hakbang para mas mapaghandaan pa ang mga magaganap sa bagong taon.

Ito ay pinangunahan ni Provincial Director Muida S. Hataman kasama si Supervising TESD Specialist Sir Yasher R. Hayudini, Financial Analyst and Human Resource na si Sir Ismah A. Abbisi at lahat ng tauhan ng ahensya.

#TESDBasilan #MoralGovernance #NoBangsamoroLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *