205 graduates sa ilalim ng Specila Training for Employment Program at Training for Work Scholarship Program 2022
205 graduates sa ilalim ng Specila Training for Employment Program at Training for Work Scholarship Program 2022 ang nakapagtapos at nakatanggap ng kani-kanilang training certificates at training support fund (allowances) sa isinigawang Closing Program sa Pag-Asa, Bongao Tawi-Tawi nitong March 17, 2023.
Nakapagtapos sila ng Shielded Metal Arc Welding NC II, 2 batches of Electrical Maintenance NC II, 2 batches of Tile Setting NC II, 1 batch of Bread and Pastry Production NC II, Masonry NC II, Carpentry NC II, Computer System Services NC II, at Cookery NC II.
Sila’y nakapagtapos sa DZAJ Tawi-Tawi Technological Institute, Inc. at Tawi-Tawi Polytechnic College, Inc.
Naging matagumpay ang closing ceremony at pamamahagi ng training support fund sa pamumuno ni Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin at kaniyang mga staff.
Laking pasasalamat naman ng mga grumaduates dahil sila’y napili at ma swerteng nabigyan ng mula sa TESDA National, MBHTE BARMM at sa walang sawang serbisyo ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ni Katrina Julkarnain, secretary ng DZAJ school at Karnahar Mayan, processing officer ng TTPC school.