216 graduates sa ilalim ng Specila Training for Employment Program 2022

216 graduates sa ilalim ng Specila Training for Employment Program 2022 ang nakapagtapos at nakatanggap ng kani-kanilang training certificates at training support fund (allowances) sa isinigawang Closing Program sa Languyan, Tawi-Tawi nitong March 18, 2023.

Nakapagtapos sila ng 2 batches of Electrical Maintenance NC II, 2 batches of Tile Setting NC II, 1 batch Bread and Pastry Production NC II, Masonry NC I, at Carpentry NC II.

Sila’y nakapagtapos sa DZAJ Tawi-Tawi Technological Institute, Inc. at Tawi-Tawi Polytechnic College, Inc.

Naging matagumpay ang closing ceremony at pamamahagi ng training support fund sa pamumuno ni Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin at kaniyang mga staff.

Laking pasasalamat naman ng mga grumaduates dahil sila’y napili at ma swerteng nabigyan ng mula sa TESDA National, MBHTE BARMM at sa walang sawang serbisyo ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi.

Ang nasabing programa ay dinaluhan ni Makaman N. Muddi, first municipal councilor, Santanina U. Bantilan, municipal councilor, Jayjam G. Isidro, PDAO Head, Nursidy Tambutoh, CTEC focal at Hji. Abidin Nuruddin, Executive secretary of Languyan.

#nobangsamorolearnerleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *