229 trainees na Balik Barangay ng Patikul ang M𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 nagtapos 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓.

Pagtatapos ng 229 trainees na benepisyaryo ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) para sa mga Balik Barangay Pansul Patikul, Sulu, at pamamahagi ng mga Training Support fund at starter toolkits ng mga ito. ngayong ika 6 ng June, 2023 sa Pansul, Patikul, Sulu.

Ang mga naturang nagtapos at tumanggap ng kanilang TSF at stater toolkits ay mula sa sampung barabgay na kabilang sa mga IDP’s ng Patikul, Sulu. ang mga ito ay nagsanay sa iba’t ibang kwalipikasyon gaya ng Basic Solar, Electrical Installation and Maintenance NC II, dressmaking NC II, Plant Crops, Perform multiple plumbing, Overhaul small engine, cake making at Cook hot meals.

ang mga nabanggit na mga kwalipikasyon ay makakatulong sana para mabago ang istado ng pamumuhay ng mga mamayan ng Patikul at makatutulong sa mga natanggap na nga kagamitan para makapagsimula ng makapaghanapbuhay gamit ang kanilang natutunan.

Pinangunahan ng TESD- Sulu head ang Naturang Programa kasama ang Punong Barangay nang Pansul, Patikul, Sulu at kasama din dumalo mula sa ahensya ng Ministry of Labor and Employment at Kawani ng mga Arm Forces of the Philippines .

#ONEMBHTE

#Nobngsamoroleftlearnerleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *