25 graduates sa ilalim ng Scholarship Training for Employment Program 2021
25 graduates sa ilalim ng Scholarship Training for Employment Program 2021 nakapagtapos at nakatanggap ng kanilang training certificates, training support fund(allowances) at Toolkits sa isinigawang Closing Program sa Sitangkai, Tawi-Tawi nitong December 22, 2022.
Nakapagtapos ang mga ito sa DZAJ Tawi-Tawi Technological Institute, Inc. sa probinsya at nakapagtapos sa kwalipikasyon ng Electrical Installation and Maintenance NC II.
Naging matagumpay ang closing ceremony at pamamahagi ng Toolkits at training support fund sa pamumuno ni Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin at kanyang ilang mga staff.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng School Head Baltazar Lumacad, Barangay Kagawad Rensie Lu at PMS Muner Munabirul.
Laking pasasalamat naman ng mga grumaduates dahil sila’y ma swerteng nabigyan ng training program at kanilang natanggap mula sa TESDA National at MBHTE-BARMM kahit sa kalagitnaan ng hangin tuloy parin ang paghahatid ng serbisyo ang MBHTE-TESD Tawi-Tawi.