25 Trainees sumailalim ng TIP sa pagsisimula ng kanilang Skills Training
Isinagawa ang Training Induction Program sa Brgy. Bito, D.O.S., Maguindanao para sa 25 na Trainees na magsasanay ng Plant Crops sa ilalim ng BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro kung saan magkakaroon sila ng libreng training at assessment. Magkakaroon din sila ng VTT o Values Transformation Training at Training Support Fund allowance pagkatapos ng kanilang pagsasanay.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa katuwang ang Busikong Greenland Multi-purpose Cooperative sa pagsasanay ng Plant Crops. Nagpahayag ng pasasalamat ang mga Trainees sa pagkakataong magkaroon ng kalidad na training na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
#mbhtemaguindanao #TIP #BSPTVET #TTPB #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat