2nd Quarter of Provincial Technical Education and Skills Development Committee (PTESDC) Meeting na ginanap sa MBHTE-TESD PO Tawi-Tawi

Nagkaroon ng pagpupulong ang MBHTE-TESD Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin bilang Co-chairperson ng PTESDC Kasama ang mga myembro ng PTESDC.

Napag- usapan ang tungkol sa PTESDC Workplan 2023, na ibinahagi ni Dr. Maryam S. Nuruddin, at inilarawan din ang Resolution no. 2 na ang nilalaman nito ay ang INCLUSION OF OTHER GOVERNMENT LINE AGENCIES. Ibinahagi naman ng UTPRAS Focal, na si Rujuma T. Salim ang tungkol sa Skills Mapping Results, at ang Awarding of Skills Training Allocation naman ng Scholarship Focal na si Mer-Amina M. Jumadil.

Nagpapasalamat ang Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin sa mga myembro ng PTESDC at sila’y naglaan ng panahon upang mapag usapan ang mahalagang adyenda sa nasabing programa. Dumalo naman ang representative ng Provincial Governor, Gov. Yshmael “Mang” I. Sali, na si Dr. Sukarno U. Asri, Kasama na din ang isang Board Member na si Sir Melhan J. Masdal

Bago matapos ang pagpupulong, nagkaroon ng ‘Review of MOA’ ang MBHTE-TESD PO, Tawi-Tawi, Kasama ang ibang agencies na myembro nito.

Natapos naman ang pagpupulong na may mabuting obhektibo na kung saan magtutulungan ang mga myembro ng PTESDC mula sa ibat-ibang organisasyon o agency para sa mas maganda at mas mabuting adhikain sa Bangsamoro People.

Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin, PTESDC Members, at MBHTE-TESD PO Staff.

#TawiTawi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *