300 trainees ng Rice Extension Services Program ang masayang dumalo sa isinagawang Mass Caravan
300 trainees ng Rice Extension Services Program ang masayang dumalo sa isinagawang Mass Caravan on Rice Extension Services Program (RESP) – Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) – Farmers Field School (FFS) Crop Cutting and Harvest Festival noon February 14,2023 sa Brgy. Manungkaling, Mamasapano, Maguindanao at sa Poblacion, Ampatuan, Maguindanao.
Ang mga trainees ay nagsanay sa Production of High Quality Inbred Rice, Seed Certification, and Farm Mechanization. Sila ay mula sa ibat ibang farmers cooperative sa Maguindanao tulad ng Al-Mani Farmers Marketing Cooperative at Al-Rahman Farmers Cooperative.
Dumalo din sa nasabing Harvest Festival ang OPAG Maguindanao, PHILMECH, PHILRICE, MAFAR-Maguindanao, PCIC, NIA, MAFAEA, Landbank of the Philippines at mga miyembro ng Munisipyo ng Ampatuan at Mamasapano na siyang katuwang ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office at mga Technical Vocational Insitutions sa pag-iimplementa ng programa.