313 Trainees ang nakapagtapos sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program para sa TVET (BSP-TVET)
313 trainees ang nakapagtapos sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program para sa TVET (BSP-TVET) at Special Training for Employment Program (STEP) ng MBHTE-TESD Basilan at nakatanggap nang Training Support Fund sa tatlong magkahiwalay na institusyon sa lungsod ng Lamitan City na isinagawa noong Setyembre 14-15, 2022.
Ang mga nagtapos ay mula sa Hardam Furigay Colleges Inc. (HFCI), Mindanao Autonomous College Foundation Inc. (MACFI) at Lamitan Technical Institute (LTI). Sila ay nakapagtapos sa kwalipikasyong: Bread and Pastry Production NC II, Cookery NC II, Computer Systems Servicing NC II, Agricultural Crops Production NC II, Dressmaking NC II at Food and Beverage NC II.
Ang seremonya ng pagsasara ay naging matagumpay sa pamumuno ni Provincial Director Muida S. Hataman at mga pangunahing panauhin. Masayang tinanggap ng mga trainees ang kanilang sertipiko at special training fund na ipinamahagi ng MBHTE-TESD staff. Ang kanilang natanggap ay makatutulong para makapagsimula sila ng maliit na negosyo naaayon sa kwalipikasyong kanilang natapos.
Lubos ang kanilang pasasalamat sa MBHTE-BARMM at TESDA National Office para sa mahalagang oportunindad na ipinagkaloob sa kanila. Karangalan at tagumpay ang hatid nito.
#TESDmoralgovernance #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotlahat #tesdbasilanpo