40 na Trainees matagumpay na sumailalim sa TIP ng Food Security Program

Isinagawa ang Training Induction Program ng 40 na Trainees sa Brgy. Nalapaan, Pikit, North Cotabato na magsasanay ng Agricultural Crops Production NC II sa Libungan Torreta Academy.

Ang mga napiling Trainees ay kabilang sa Food Security Program na bunga ng pagsasanib pwersa ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office at MAFAR o Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform upang mas mapalawak pa ang sakop ng pagbibigay ng kalidad na kasanayan.

Labis na pasasalamat naman ang ipinahayag ng mga nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng libre at kalidad na edukasyon at kasanayan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

#mbhtemaguindanao #FoodSecurityProgram #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *