50 na Trainees matagumpay na nagtapos sa ilalim ng BSPTVET TTPB
Isinagawa ang Graduation Ceremony ng 50 Trainees na nagtapos ng Dressmaking NC II at ACP NC II sa Brgy. Tumbras, Midsayap, Maguindanao.
Ang nasabing Trainees ay kabilang sa programa ng BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro kung saan sila ay nagkaroon ng libreng kasanayan, libreng assessment, VTT at TSF allowance na ipinamahagi din pagkatapos ng programa.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang programa katuwang ang CBCS o Consortium of Bangsamoro Civil Society at ang dalawang TVI na VMC Asian College Foundation, Inc., at Kadayangan Academy.
Nagpahayag ng tuwa at pasasalamat ang mga nakapagtapos dahil sa pagkakaroon nila bagong kaalaman at kasanayan na kanilang gagamitin sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
#mbhtemaguindanao #GraduationCeremony #BSPTVET #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat