50 trainees para sa 2022 BSPTVET Food Security Convergence Program sumailalim sa Training Induction Program
Isinagawa ang TIP sa dalawang magkahiwalay na munisipyo ng Tipo-Tipo at Albarka, Basilan nito lamang Disyembre 12, 2022.
Ang mga trainees ay magsasanay sa kwalipikasyong Agricultural Crops NCII na isasagawa ng Mindanao Autonomous College Foundation, Inc. (MACFI) sa pangunguna ng trainers na sina Ibrahim Randa at Maria Fe Clapano.
Naging matagumpay ang nasabing TIP sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan ni Supervising TESD Specialist Yasher R. Hayudini, Municipal Administrator Radiya Istarul Hassan, Ma’had Guinanta Chairman Ust. Sulaiman Palinta, at Scholarship Focal Muhmin J. Edrosolo.