65 Trainees masayang nagtapos sa ilalim ng BSPTVET

Upang mabigyan ng karangalan ang pagsisikap ng mga Trainees na nagsanay ng Driving NC II, Cookery NC II at Carpentry NC II, sa Brgy. Gambar, Mother Kabuntalan, Maguindanao ay isinagawa ang kanilang Graduation Ceremony sa ilalim ng BSPTVET TTPB.

Ang mga kabilang sa programa ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro ay nagkaroon ng libreng pagsasanay, libreng assessment, VTT at TSF allowance na ipinamahagi din sa mga benepisyaryo kasabay ng kanilang pagtatapos.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao katuwang ang VMC Asian College Foundation at Darussalam Institute of Technology, Inc. ang nasabing programa. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nakapagtapos sa pagkakataong ibinigay sa kanila upang magkaroon ng panibagong kasanayan na kanilang magagamit sa kanilang pag-unlad.

#mbhtemaguindanao #GraduationCeremony #BSPTVET #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *