75 Trainees matagumpay na nagtapos ng Skills Training

Makalipas ang ilang araw ng pagsasanay ay nakapagtapos na ng Skills Training ang 75 Trainees na nagsanay ng Masonry NC II, ACP NC II at Dressmaking NC II sa ilalim ng BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro kung saan sila ay nagkaroon ng libreng pagsasanay, libreng assessment, VTT at Training Support Fund allowance.

Ang mga nakapagtapos ay nagsanay sa TVI ng Darussalam Institute of Technology, Inc. sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao. Ang programa ay isinagawa noong August 16,2022 kasunod ng Graduation Ceremony ay ipinamahagi din ang Training Support Fund allowance sa mga nakapagtapos ng ibaโ€™t ibang kurso o kwalipikasyon.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga nagkaroon ng pagkakataong matuto at makapag-aral ng libre kung saan magagamit din nila ang kanilang mga natutunan sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

#mbhtemaguindanao#BSPTVET-TTPB #GraduationCeremony #ReleasingofTSFAllowance #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *