80 na Decommissioned Combatants ang masayang nakatanggap ng mga Tool Kits sa ilalim ng EO-79
Ibinahagi ang mga Tool Kits ng 60 Decommissioned Combatants sa Brgy. Kurintem, D.O.S., Maguindanao. Ang mga nakatanggap ng Tool Kits ay nagtapos ng Bread Making (40 Trainees) at Bread and Pastry Production (20 Trainees).
Kasabay nito ay ipinamahagi din ang Tool Kits ng 20 Decommissioned Combatants na nagtapos ng Bread and Pastry Production sa Brgy. Semba, D.O.S., Maguindanao.
Ang mga nakatanggap ng Tool Kits ay kabilang sa programa ng EO-79 o Normalization Program kung saan nagkaroon din sila ng libreng training, libreng assessment, at training support fund pagkatapos ng kanilang pagsasanay.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang pamamahagi ng Tool Kits katuwang ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity at ang TVI ng Foureych Technical Vocational and Learning Center, Inc.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nakatanggap ng kanilang Tool Kits. Inaasahang may mga susunod pang pamamahagi na gaganapin. Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang agad na maibigay ang lahat ng mga benepisyo.