96 scholars ang nakapagtapos sa MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center nitong July 18, 2022.
Sila ay nakapagtapos mula sa iba’t ibang qualifications tulad ng Bread and Pastry Production NC II, Dressmaking NC II, Tile Setting NC II, at Carpentry NC II, sa ilalim ng BSPTVET 2021.
Sa closing ceremony nabigyang halaga ang sipag, tyaga at didekasyong iginugol ng mga scholars sa kanilang training.
Samantala, 25 na nakapagtapos ng BPP NC II at 25 mula sa Dressmaking NC II ay mga benepisyaryo ng opisina ni MP Atty. Maisara Latiph, sa ilalim ng programang Siyap Ko Mga Bae.
Pinangunahan ni MBHTE-TESD PCMDC Administrator Insanoray Amerol-Macapaar ang naturang seremonya, kasama ang mga panauhing pandangal — MP Atty. Maisara Latiph na syang Guest Speaker at nagbigay ng Mensahe. MP Jannati Mimbantas at Director Nasser Macaraya na nagbigay ng Inspirational Message. MBHTE-TESD Lanao Del Sur Provincial Office CAC Focal Esmael Capampangan na nagbigay ng Message of Hope at syang nagkompirma sa mga nagtapos.
Labis na pagkatuwa at pasasalamat ang ipinakita ng mga nagtapos nang kanilang tanggapin ang kanilang certificates.
#GanapSaPCMDC #BPP #DRM #Carpentry #TileSetting #MassGraduation #SiyapKoMgaBae #BSPTVET2021 #NoBangsamoroLeftBehind #TESDMoralGovernance #TESDAAbotLahat