๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ก๐ ๐ง๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐ ๐ข๐ก ๐๐ข๐๐ง ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐จ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐ฉ๐๐ก๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ก๐ ๐๐ข๐ก๐ง๐ฅ๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก, ๐ก๐๐๐ฆ๐๐ง๐จ๐ฃ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ช๐๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐ฆ๐๐ฃ๐ฌ๐ข
Ang MBHTE-TESD Basilan Provincial Office katuwang ang Provincial Veterinary Office โ Basilan (PVO-Basilan) at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) ay nagkaroon ng kasunduan upang tulungan at bigyan ng skills training ang pitumpuโt limang (75) magsasaka o farmers na may mga alagang kambing sa munisipyo ng Sumisip, Albarka at Tipo-Tipo, Basilan Province.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong maibahagi sa mga magsasaka ang mas tamang pag-aalaga ng kanilang mga kambing mula sa pagpaparami hanggang sa pagkakaroon ng mga alternatibong paraan upang maproteksyanan at mailayo ang mga ito sa sakit.
Isa na rin itong tulay upang mas mapabuti pa ang kanilang mga kabuhayan at maging daan upang magkaroon ng sustainable development ang probinsya ng Basilan. Ang skills training na ito ay nilagdaan ng dalawang panig sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement noong Mayo 02, 2023 na naging dahilan upang maging highlight ito ng accomplishments ng ahensya sa pamumuno ni Provincial Director Muida S. Hataman na siyang nag-isip at gawing realidad ang programang ito.
Ang unang skills training ay naganap sa Brgy. Upper Cabengbeng, Sumisip, Basilan noong Mayo 25-26, 2023 na sinundan naman sa Brgy. Kailih, Albarka, Basilan noong Mayo 29-30, 2023. At ang panghuli nga ay nito lamang July 25-26 sa Brgy. Tipo-Tipo Proper, Tipo-Tipo, Basilan Province.
Ang Provincial Veterinarian OIC na si Doc. Sharmin A. Tuttuh kasama si Mr. Ali P. Taguranao na siyang meat inspector ng PROVET Basilan at Mr. Jollybee E. Belandres ay nagbahagi ng kanilang kaalaman sa pitumpuโt limang trainee. Sila ay nagkaroon ng hands-on demo na kung saan sila ay tinuruan ng tamang pagpapainom at pag i-inject ng vitamins at mga gamot sa kanilang mga alagang kambing.