๐๐๐ ๐ก๐๐ก๐๐ง๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ (๐๐โ๐ฌ) ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐จ๐ฆ๐๐๐ญ๐๐ง๐ญ๐ฌ, ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐๐ข๐๐
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng programang Positive Peace Project ng Bangsamoro Youth Comission (BYC), nagkaroon ng Collaborative Designing Workshop ang BYC kung saan nagsamasama ang mga sumusunod na opisina at organisasyon upang makita at masiguro na magiging maayos ang pagtakbo ng nasabing programa:
1. Bagsamoro Youth Commission
2. Cooperative and Social Enterprise Authority (CSEA)
3. United Nations Development Programme
4. IMPACT Initiatives
5. MBHTE โ TESD Regional Office
6. MBHTE โ TESD Maguindanao Provincial Office
Ayon sa Youth Development Officer na si Settie Ivy Ampatuan, ang 3Pโs ay isang proyekto ng BYC kung saan 200 youth combatants na mula sa limang (5) probinsya ng BARMM ang dumaan sa proseso ng Rapid Area Assessment bago mapabilang sa programa.
Layunin ng programa na tulungan ang nasabing mga kabataan na makabuo ng kooperatiba pagkatapos ng mga skills trainings na hatid ng MBHTE โ TESD upang itoโy makatulong sa kanila sa paghahanap-buhay. Maliban sa skills trainings, sila rin ay babahagian ng trainings on leadership and entrepreneurship.
Patuloy ang koordinasyon sa pagitan ng mga nasabing mga ahensya ng gobyerno hanggang sa pagtatapos ng nasabing proyekto.
Ito ay ginanap noong August 22, 2023 sa Jade Hall, EMS Manor, Cotabato City sa pangunguna ng BYC.