šŸšŸšŸ’ šŽš®š­ šŽšŸ š’šœš”šØšØš„ š˜šØš®š­š” (šŽš’š˜) ššš šŒš šš šŠššš›ššš­ššššš§, š’š®š¦ššš¢š„ššš„š¢š¦ š’šš š‚ššš«šžšžš« š†š®š¢šššš§šœšž š€ššÆšØšœšššœš² šš«šØš š«ššš¦ (š‚š†š€š) š¬šš šš«šØš›š¢š§š¬š²šš šš  šŒššš š®š¢š§šššš§šššØ

Sa ilalim ng proyektong You(th) Connect 2.0 Project ng PLAN International, ang MBHTE ā€“ TESD Maguindanao Provincial Office ay nagbigay ng CGAP sa isang daan at labing apat (114) na OSY upang maintindihan ng mga kabataan ang mga programang pang TekBok at benepisyo nito na dala ā€“ dala ng opisina para sa kanila.

Sa ilalim ng You(th) Connect 2.0 Project na ito, mabibigyan din ng panimulang tulong pinansyal ang mga benepisyaryo at aalalayan din sila ng PLAN International na makahanap ng trabaho base sa kwalipikasyon na aaralin nila sa TESD. Ang proyektong ito ay tumatakbo simula nitong May 2023 hanggang April 2024 sakop ang mga OSY sa Maguindanao, Western Samar at Cebu City.

Patuloy ang koordinasyon sa pagitan ng dalawang opisina upang matukoy kung anu ā€“ ano ang mga nararapat na Skills Training na angkop sa kagustuhan at kalagayan ng mga napiling iskolars.

Ang PLAN International ay isang organisasyong di-pampamahalaan na naglalayong makatulong sa mga napabayaang mga kabataan at kababaihan sa pamamagitan ng pagsulong sa mga karapatan ng mga nasabing benepisyaryo.

Ang nasabing CGAP ay ginanap noong August 31, 2023 sa Nuro at Kibucay, Upi, Maguindanao del Norte, BARMM.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *