𝟐𝟎𝟐𝟑 𝐕𝐢𝐫𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐂𝐚𝐟é 𝐨𝐟 𝐎𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭𝐮𝐧𝐢𝐭𝐞𝐬 (𝐖𝐂𝐎), 𝐈𝐝𝐢𝐧𝐚𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐛𝐢𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨

Kasabay ng pagdiriwang ng ika – 29 Anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), binuksan ng MBHTE – TESD Maguindanao Provincial Office ang 2023 Virtual World Café of Opportunities at National TVET Enrollment Day noong August 30, 2023.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng limang daan siyamnaput tatlo (593) TESD iskolars at labing apat (14) na Technical Vocational Institutes (TVIs).

Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng ZOOM o birtuwal na pagpupulong upang masiguro na mas maraming TESD iskolars sa buong probinsya ng Maguindanao ang maabot ng nasabing aktibidad.

Layunin ng WCO na:

1. I-enrol ang mga interesadong mamamayan ng probinsya sa mga scholarship programs ng ahensya at

2. Matulungan ang mga nakapagtapos na mga TESD iskolars makahanap ng trabaho sa mga industriyang bukas sa mga kwalipikasyong natapos nila tulad ng sa Construction sector kung saan maaaring maging empleyado ng naimbitahang kompanya ang iskolar sakaling ito ay makapasa sa interview.

Kasama sa aktibidad ang Lamsan Holdings, Inc. kung saan ibinahagi ni Ms. Joy C. Ligutom, Hiring and Recruitment Personnel, ang mga kasalukuyang bakanteng posisyon sa kanilang kumpanya at ang mga kwalipikasyong hanap nila tulad ng mga iskolars na nagtapos ng Masonry NC II, Electrical Installation Maintenance NC II at iba pa.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *