๐ฎ๐ฌ ๐๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ฒ๐ฒ๐ ๐ป๐ด (๐๐๐ข) ๐ฅ๐ผ๐ฎ๐ฑ ๐ฅ๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ฟ ๐ก๐ ๐๐, ๐๐๐บ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐๐ฎ ๐ ๐ผ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ง๐๐ฆ๐ ๐๐ฎ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป
Ang MBHTE-TESD Basilan Provincial Office katuwang ang Hardam Furigay Colleges Foundation, Inc. (HFCFI) ay nagsagawa ng Monitoring sa dalawampung (20) trainees ng (HEO) Road Roller NC II sa HFCFI Field, Brgy. Limo-ok, Lamitan City, Basilan Province nito lamang ika-apat ng Setyembere, taong 2023.
Isa ito sa mga inisyatibo ng ahensya upang subaybayan ang pagpapatupad ng ibaโt ibang programa sa scholarship upang matiyak na ang mga ito ay naayon sa alituntuning itinakda ng TESDA. Ito rin ay magiging daan upang mapagtibay pa ng ahensya at ng TTI/TVIs ang kanilang pagbibigay na kalidad na serbisyo sa lahat ng mga manggagawang Filipino.
Ayon kay Saidar Y. Jacaria, isang trainee, โAko po ay taos pusong nagpapasalamat sa TESDA dahil po sa training na ito marami po akong natutunan hindi lang sa skills pati na rin sa po sa pag-uugali bilang nagmamaneho ng ibaโt-ibang sasakyanโ Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa sektor ng konstruksyon at tranportasyon.
Sa pangkalahatan, ang pagsasanay na ito ay lumampas sa kanilang mga inaasahan at pangangailangan, at nagbigay ng isang napakahalagang karanasan sa pag-aaral. Ngayon ay mas madadagdagan pa ang kanilang mga kaalaman tungkol sa mga heavy equipments at paano ito gamitin sa tamang paraan.
Ito ay naging matagumpay sa pamumuno ni Officer-in-Charge Ismah A. Abbisi na kinatawan ni Monitoring and Evaluation Focal Mr. Habban P. Aladjala, Partnership and Linkages Alternate Focal Mr. Moh. Yusop J. Sagala kasama ang Processing Officer ng HHH Technical and Driving Institute, Inc. na si Ms. Daisy Claire Atonio.