𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐀𝐢𝐝 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠

Sa pamumuno ni CCMDC Chief Administrator Sir Alsultan B. Palanggalan ay Matagumpay na nagsagawa ang Cotabato City Manpower Development Center ang tatlong araw na 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐀𝐢𝐝 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠, Ito ay nagsimula noong Ika-Labindalawang araw ng Setyembre at nagtapos ito noong Ika Labing-apat na araw ng Setyembre.

Ang pagsasanay ay pinangungunahan nina SFO1 Johomar C. Buscati, FO3 Shahareal P. Salinogan, FO3 Marievel C. Mahilum at FO1 Kent Laurence E. Naviamos mula sa Bureau of Fire (BFP)- BARMM Fire Station.

Ang Layunin ng pagsasanay ay para ma introduce ang mga protocols at standards sa pag hawak ng mga pasyente bilang Emergency first Responders, at binigyang diin ang kahalagahan ng prinsipyong pang aksyong pang emerhensiya.

Ang mga kalahok ay tinuruan kung paano e assess ang mga pasyente.

Ang ibat’ibang gamit ng Triangular Bandage para sa bandaging at Splinting ay ipinakita, pati na rin ang mga pamamaraan para sa pagbubuhat at paglipat ng mga pasyente.

Sa huling araw ng pagsasanay ay isinagawa ang Actual Simulation Drill, ang mga kalahok ay binigyan ng isang sitwasyon kung saan ang bawat grupo ay may paseyente at e assessed regarding sa kanilang paggamit ng mga pamamaraan ng First Aid sa mga biktima.

Layunin ng training na ito ay para bigyan ng mga empleyado ng sapat na kaalaman at kasanayan na kailangan upang epektibong maka-responde sa mga emergencies at makapagligtas ng buhay.

#GanapsaCCMDC

#OneMBHTE

#firstaidtraining

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *