๐๐๐๐ – ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐จ๐๐ญ๐ฎ๐๐ข๐๐ฌ ๐๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐ซ๐ฌ ๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐๐ฉ๐๐๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐ซ๐๐๐ฅ, ๐ค๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐
Muling pinatunayan ng limang (5) Trainers ng Upi Agricultural School, Inc. (UAS) ang kanilang angking kagalingan sa larangan ng Agrikultura matapos ng sila ay mapiling ipadala sa bansang Israel sa ilalim ng programang internasyunal na AgroStudies 2023 – 2024: Agricultural Educational Scholarship Program.
Ang mga nasabing Trainers ay sina:
1. Bryan Gil M. Rosales – Organic Vegetables
2. Michael John B. Cuevas – Organic Vegetables
3. Melnovein J. Fulgencio – Organic Vegetables
4. Salindatu G. Mohammad – Organic Chicken
5. Rudy G. Moennget – Organic Chicken
Sa loob ng labing isa (11) na buwan ay pag – aaralan nila ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan na ginagamit ng bansang Israel upang makapagpadami ng mga produktong Organik na Manok at Organik na Gulay.
“Since doon po kami na – assign sa Ozer farm, isang Organic farm sa Israel, may koneksyon po ang aming learnings o skills na makukuha doon (sa pagpapababa ng presyo ng bigas) kasi kapag po sinabing “Organic” ay ibig sabihin ay less o walang chemicals na isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang inputs o fertilizers (na ginagamit sa mga palay kung kaya’t mahal ang presyo ng bigas).”, tugon ni Mr. Bryan Gil M. Rosales nang siya ay tanungin kung papaano makakatulong ang AgroStudies sa usapin ng pagtaas ng presyo ng bigas sa Pilipinas.
Ito ang unang pagkakataon na napasali ang BARMM sa naturang programa kung saan ang Upi Agricultural School, Inc. sa bayan ng Upi, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, BARMM ang may pinakamaraming kalahok na napili at nakapasa matapos masusing screening ng TESDA Central Office.
Labis ang pasasalamat ng mga nasabing Trainers sa pribilehiyong makapag – aral ng Organik na Pagsasaka at makatulong sa pagpapaulad ng sektor ng Agrikultura sa Pilipinas.