Industry Forum sinagawa ng MBHTE TESD Lanao del Sur Provincial Office

Sa nasabing pagtitipon, iba’t ibang industriya mula sa probinsya ng Lanao del Sur ang nagbahagi ng kani-kanilang mga kaalaman patungkol sa mga kinakailangang mga pagsasanay na maaaring tugunan ng tekbok. Ang aktibidad na ito ay bilang pagtugon sa Area-Based Demand-Driven TVET (ABDDT), isang programa na nilalayong mapaigting pa ang mga kasanayan sa tekbok upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga industriya ng mga manggagawang may kakayahan o skilled workforce.

Ito ang pangalawang pagkatataon na naglunsad ng ganitong programa sa MBHTE TESD LDS Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director Asnawi L. Bato. Ginanap ang nasabing aktibidad ika-19 ng Setyembre 2023 sa Chill in Dine Cafe Upper Lancap, Marawi City.

#Nobangsamorolearnerleftbehind

#OneMBHTE

#LDS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *