E-Certificate ready na ang mga Accredited Assessment Centers sa Probinsya ng Tawi-Tawi!
Bilang tugon sa TESDA Circular No. 026 series of 2023, ipinapatupad na rin sa probinsya ng Tawi-Tawi ang pag-issue ng E-Certificate o Electronic National Certificate para sa mga certified skilled workers.
Sa probinsiya ng Tawi-Tawi, mayroon ng dalawang Accredited Assessment Centers na may pasilidad upang makapag issue ng E-Certificate. Kasama rito ang Mahardika Institute of Technology Business Inc., at ang at DZAJ Tawi-Tawi Technological Institute Inc..
Ang mga nasabing Accredited Assessment Centers ay may dalawampo’t tatlong (23) candidates ng Computer System Servicing NCII at dalawampo’t limang (25) candidates ng Electrical Installation Management NCII na isasalang sa National Competency Assessment sa ilalim ng TWSP at TTBP.
Ang pagpapatupad ng E-Certificate sa ating rehiyon ay importante at magsisilbing instrumento upang mas mapabilis pa ang pag-issue ng NC sa mga kandidatong matagumpay na pumasa sa National Competency Assessment.
Para sa kaalaman ng lahat, ang E-certificate ay mahirap ng gayahin o peke-in. Hindi ito katulad ng ibang ordinaryong papel lamang, sapagkat isinisigurado ng ahensya ang mga ito ay ligtas na nakaimbak online at madaling ma-validate sa pamamagitan ng isang natatanging URL o QR Code.