𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐚𝐭 𝐑𝐞𝐥𝐞𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐓𝐒𝐅 𝐧𝐠 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬 𝐬𝐚 𝐑𝐌𝐃𝐂, 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚

Masayang inihayag ng MBHTE TESD Regional Manpower Development Center (RMDC), ang matagumpay na pagsagawa ng Bangsamoro Scholarship Program for Technical Vocational Education and Training (BSPTVET) Graduation Ceremony na pinangunahan ng RMDC Administrator na si Dr. Jonaib M. Usman.

Ang Graduation Ceremony ay ginanap noong ika-26 ng Setyembre 2023, sa RMDC, Brgy. Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Ang okasyong ito ay kumikilala sa pagsusumikap, dedikasyon, at tagumpay ng mga iskolar na nakatapos ng kani-kanilang kwalipikasyon sa pagsasanay. Kabilang sa mga kwalipikasyon ay ang Trainers Methodology Level 1, Driving NC II, Housekeeping NC II, Computer System Servicing NC II, Agricultural Crops Production NC II at Shielded Metal Arc Welding NC II.

Dumalo at nagbahagi ng mga mensahe ang mga panauhin kasama sina MBHTE TESD Bangsamoro Director General Ruby A. Andong, Sultan Kudarat Municipal Administrator Sultan Banjo M. Mampon, BDA Regional Manager Abdulrasheed B. Ambil, MP Suharto Ambolodto, at ang Executive Assistant ni MOLE Minister Muslimin G. Sema na si Sittie Sakhira Dambong.

Ang mga iskolar ay binigyan ng mga certificate sa kanilang matagumpay na pagkumpleto ng kani-kanilang training. Bukod dito, ang Training Support Fund ay ipinamahagi din sa kanila. Laking tuwa at pasasalamat nila sa libreng training at benepisyo na kanilang natanggap mula sa MBHTE TESD.

#RMDC#BSPTVET#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *