๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐ข๐ฌ๐ค๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐‹๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐ข๐ก๐จ๐จ๐ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ.

Setyembre 30, 2023, ginanap ang graduation ceremony ng 223 iskolars na nagsanay sa Provincial Livelihood Training and Productivity Center sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program o BSP-TTPB na ginanap sa may PLTPC, Tanjung, Indanan, Sulu.

Ang mga ito ay nagsipagtapos sa ibat ibang kwalipikasyon tulad ng Shielded Metal Arc Welding NC II, Computer System Servicing NC II at Cookery NC II, Dressmaking NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II at Plumbing NC II.

Kasabay din ng Programang ito ay ang pamamahagi training support fund para sa 164 na iskolars habang ang ilan pang natitirang iskolars ay itatakda din sa kanilang tanggap sa nasabing TSF.

Kasabay sa mga nagsipagtapos ang dalawangput limang (25) mga indibidual na kumaha ng Driving NC II sa ilalim din ng BSP-TTPB mga Iskolars ng Rabah Learning Skills Center na may MOA sa pagitan ng PLTPC at PTC-Sulu.

Bakas sa mga mukha Iskolar ang galak ika nga ng isa sa mga iskolars na nagbigay ng mensahi โ€œAng Pera magkano man yan ay mauubos at mauubos din hindi tulad ng Kasanayang nakuha nil a mula sa training ay mananatiliโ€ at maging daan sana para maiba ang kanilang istado at makapaghanap buhay o makapaghanap ng trabaho.

Dumalo ang Provincial Governor ng Sulu bilang Panauhing Pangdangal sa nasabing programa at Bilang Galak at suporta niya sa mga nagtapos binigyan niya ang mga ito ng Polo Shirt bawat isa para isuot sa Graduation Day kahit alam niyang may iisusuot din ang mga ito at namigay din siya Cash Gift sa bawat iskolar.

Kasama sa mga dumalo ang Staff ng TESD Sulu Provincial office na Pinangunahan ng Provincial Director at Center Admintrator ng PTC-Sulu na Pinangunahan naman ng Provincial Director ng PLTPC ang naturang programa.

Maliban sa Iskolars sa Ilalim mg MBHTE-TESD may iskolar din ang naturang training Center kung saan libring training para gustong kumuha ng kasanayan. Sinisikap ng Pamunuon ng PLTPC ang dumami pa ang mga kursong mabuksan sa kanilang training Center, lalong -lalo na sa sektora ng Turismo na ngayon ay Magbubukas ang kursong Food and Beverages Services NC II at Housekeeping NC II bilang paghahanda sa mas marami pang uportunidad ang magbubukas sa bayan ng Sulu lalong lalo na sa larangan ng turismo.

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *