25 ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ญ-๐จ๐-๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ-๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐ญ ๐๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง๐๐จ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐๐ข๐ฅ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐๐.
Ang Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC) ay matagumpay na nagsagawa ng Training Induction Program (TIP) kahapon ng Biyernes Ika-anim na araw ng Oktobre ngayong taon.
Ito ay pinangungunahan ni Center Administrator Sir Alsultan B. Palanggalan at dinaluhan din ni City Councilor Hon. Marouf A. Pasawiran kasama ang kanyang mga kawani.
Ang nasabing mga trainees na Out-of-School-Youth (OSYs) at Indigeneous People (IPs) ay mula ito sa PABO Program o ๐ara sa Kabataan ๐ผngat ๐ฝuhay ๐pportunity na programa ni City Councilor Hon. Marouf A. Pasawiran at ang mga trainees ay magsasanay ng Carpentry NC II.
Ang mga magsasanay ay nagkaroon ng Training Orientation Program sa pangunguna ni CCDO Scholarship Focal na si Ma’am Sittie Rahima Puntuan.
Ang Layunin ng Training Induction Program ay para ipaalam sa mga scholars ang kahalagahan ng programa sa pagsasanay at pagbibigay sakanila ng mga oportunidad at kasanayang mahalaga para sa trabaho.
Ito din ay labis na ikinatuwa ng mga OSYs at Indigents.