Mass Graduation Ceremony para sa mga nagtapos ng BSPTVET-TTPB isinagawa ng MBHTE TESD Tawi-Tawi
Nagdaos ng mass graduation ceremony para sa 136 trainees na nagtapos sa ilalim ng BSPTVET-TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for Free TVET – Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro ang MBHTE TESD Tawi-Tawi nitong Oktubre ika-7, 2023 na ginanap sa TTSAT Covered Court, Pag-Asa Bongao, Tawi-Tawi.
Ang nasabing mga trainees ay nakapagtapos sa mga kwalipikasyon ng Bread and Pastry Production NCII, Electrical Installation Maintenance NCII, Cookery NC II, Dressmaking NC II, Agricultural Crops Production NC I at Housekeeping NC II. Ang mga graduates ay nakatanggap ng kani-kanilang Sertipiko at Training Support Fund (allowances).
Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng MBHTE-TESD Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin, MBHTE-TESD PO Tawi-Tawi Staff, PTC administrator katuwang ang Technical Vocational Institutes administrator at trainers. Bilang pagtatapos ng programa, nagpapasalamat ang mga trainees na sila’y naging parte ng MBHTE-TESD Program at nabigyan sila ng pag-asa na maisakatuparan ang kanilang mga kaalaman sa tunay na buhay at maging sa pangkabuhayan.