𝟏𝟓𝟓 𝐈𝐒𝐊𝐎𝐋𝐀𝐑𝐒 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐅𝐔𝐍𝐃

Isinagawa ang Mass Graduation sa isang daan at limampu’t limang (155) iskolars sa iba’t ibang kwalipikasyon sa ilalim ng 2022 BSPTVET Food Security Convergence Program at 2023 Bangsamoro Scholarship Program ng TVET (BSPTVET) sa Hardam Furigay Colleges Foundation, Inc. (HFCFI), Brgy. Limo-ok, Lamitan City, Basilan Province nito lamang Oktubre 10, 2023.

Sila ay nagtapos sa mga kwalipikasyong Computer Systems Servicing NC II, Food and Beverages NC II, Cookery NC II, (HEO) Backhoe Loader NC II, (HEO) Road Roller NC II at Driving NC II. Sila rin ay nakatanggap ng kani-kanilang Training Support Fund na makatutulong sa kanila upang magsimula ng maliit na negosyo pampuhunan o di kaya ay para makatulong sa pag a-apply nila ng trabaho.

Ang programang ito ay pinangunahan ni Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan ni Supervising TESD Specialist Mr. Yasher R. Hayudini, katuwang ang MTIT na kinatawan ni Trade-Industry Development Analyst Mr. Mohammad Nour M. Husin, Scholarship Focal Mr. Muhmin J. Edrosolo, HFCFI AC Manager Ms. Eunice M. Embudo, HFCFI Processing Officer Mr. Jhaymar I. Sajiron at HHH Processing Officer Ms. Daisy Claire A. Antonio.

#tesdbasilan

#OneMBHTE

#BSPTVET

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *