𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄-𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐓𝐚𝐰𝐢-𝐓𝐚𝐰𝐢 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐩𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐟𝐨𝐫 𝐏𝐫𝐨𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐋𝐞𝐚𝐝 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐨𝐫𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐞𝐚𝐰𝐞𝐞𝐝 𝐏𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐂 𝐈𝐈

Ang MBHTE-TESD Tawi-Tawi Provincial Office ang kauna-unahang nagsagawa ng Capability Building Program for Prospective Provincial Lead Assessors for Seaweed Production NC II. Ito ay ginanap sa Beachside Inn Hotel and Restaurant, Bongao, Tawi-Tawi nitong November 3-5, 2023.

Ang nasabing programa ay ginanap sa loob ng tatlong araw. Sa unang araw, ipinaliwanag ng kanilang resource speaker na si Hadiguia K. Nanding, Regional Competency Assessment and Certification Focal, ang tungkol sa TESDA Circular No. 47 series of 2017 Implementing Guidelines on the Deployment of TR, CATs, PAF, and Conduct of Assessment and Certification in Seaweed Production NC II. Ang kanilang assessor na si Evelyn B. Martinez, Regional Lead Assessor, ay nagbigay ng “Orientation on the Salient Provisions of the Promulgated Training Regulation for Seaweed Production NC II.

May dalawampung (20) assessees na sumailalim sa Competency Assessment sa Seaweeds Production NC II, at hinati sila sa loob ng dalawang araw upang makita ang kanilang kakayahan sa pagtatanim, pag-aani at pagbilad ng seaweeds. Dumaan sila sa isang masuring pagsubok, panayam at demonstrasyon na ginanap sa Tawi-Tawi Provincial Training Assessment Center, Paniongan, Bongao, Tawi-Tawi.

Sa pagtatapos ng programa, nagkaroon ng closing program at pagkakataon na magbigay ng impresyon tungkol sa programa. Nakatanggap ng sertipiko ang lahat ng assessees at nagpapasalamat sila sa Provincial Director ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi Dr. Maryam S. Nuruddin, Regional CAC Focal, at Regional Lead Assessor.

Taos puso ding nagpapasalamat ang Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin sa lahat ng naging parte ng programa at sa lahat ng assessee na sumubok upang maging Provincial Lead Assessor sa lalawigan ng Tawi-Tawi. Nagbigay siya ng mensahe, at sinabing,

“Sa lahat ng pumasa, Alhamdulillah, kayo ay magsisilbing inspirasyon sa ating lalawigan upang matulungan ang mga farmers natin dito sa Tawi-Tawi. Mas palalawakin pa natin ang ating kakayahan at kaalaman na may kontribusyon sa ating komunidad.” Ani pa niya, “sa mga hindi pumasa huwag na huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil mayroon pa kayong malaking oportunidad na maging Provincial Lead Assessor sa susunod.”

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *