๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ญ๐๐ก ๐ง๐ ๐๐ค๐ข๐ฅ๐ฅ๐ฌ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐จ๐ง ๐๐๐๐ฐ๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐๐๐ซ ๐ ๐จ๐จ๐ ๐๐๐๐ฎ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐จ๐ง๐ฏ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง
Isinagawa ng MBHTE-TESD Basilan Provincial Office katuwang ang ahensya ng MAFAR Basilan ang Skills Training on Seaweed-Based Value-Added Processing, Deboning and Bottled Fish Production sa una nitong batch sa Brgy. Cambug, Albarka, Basilan Province.
Ang training na ito ay mayroong tatlong (3) batches o pitumpuโt limang (75) beneficiaries sa tatlong magkahiwalay na munisipyo. Ang unang batch ay matagumpay na isinagawa noong November 06, 2023 na kung saan sila ay nagtapos nito lamang November 16, 2023.
Sila ay sumailalim sa pagsasanay kung papaano ang tamang proseso ng seaweed processing, deboning ng mga isda at bottled fish production. Ito ay kanilang magagamit upang mas mapahusay ang kanilang mga kasanayan at kaalaman sa nasabing larangan na siyang makakatulong sa kanilang kabuhayan.
Si Ms. Nahdah T. Amain, Ms. Aleriza A. Atalad at Ms. Halija M. Aspalin ng MAFAR sa ilalim ng Fisheries Sector ang kanilang naging trainers para sa training na ito na pinamumunuan ng kanilang Chief Aquaculturist na si Mr. Abdurasul T. Sarail.
Ito ay naging matagumpay sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman katuwang ang MAFAR Basilan sa pamumuno ni Provincial Director Hanie Muadz A. Junuban at Chief Aquaculturist Mr. Abdurasul T. Sarail.
Naroon sa panahon ng kaganapan sina Scholarship Focal Mr. Muhmin J. Edrosolo, Committee Heads Ms. Jahra A. Asnawi at Event Orgarnizers Mr. Mus-ab S. Abubakar at Moh. Yusop J. Sagala.