GRADUATION CEREMONY AND RELEASING OF TRAINING SUPPORT FUND AND TOOLKITS
Labis ang galak ng mga scholars sa pagtatapos ng kanilang skills training na ginanap sa MBHTE Gymnasium. Ang mga trainees ay sabay na tumanggap ng kanilang allowances mula MBHTE-TESD na pinamumunuan ng kanilang Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin.
Ang mga scholars ay nagtapos ng TM (Trainers Methodology Level I) at Driving NC II under BSPTVET 2022. Tumanggap din ng kanilang allowances ang 17 Civil Engineering, 20 Electrical Engineering, 19 Information Technology, 22 Hospitality Technology at 19 Mechanical Engineering under UAQTEA 2023.
Nagbigay ng Welcome Message ang MBHTE-TESD Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin at gayundin ang President ng Tawi-Tawi Provincial Women’s Council, Madame Hja. Jumda A. Sali na nag bigay ng kanyang makabuluhang Inspirational Message bilang Guest Speaker ng seremonsya.
Bilang pagtatapos ng programa, nagpasalamat ang mga trainees na sila ay naging parte ng MBHTE-TESD Program at naisakatuparan ang kanilang layunin na makapagtapos.