𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐍𝐃𝐔𝐌 𝐎𝐅 𝐀𝐆𝐑𝐄𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐍𝐈𝐋𝐀𝐆𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐀𝐌𝐎𝐍𝐃 𝐒𝐓𝐑𝐈𝐏, 𝐓𝐇𝐄 𝐎𝐐𝐔𝐎𝐋𝐔𝐒 𝐂𝐎𝐅𝐅𝐄𝐄𝐒𝐇𝐎𝐏, 𝐀𝐓 𝐁𝐑𝐀𝐒𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄 𝐃𝐄 𝐋𝐀 𝐁𝐎𝐔𝐑𝐒𝐄, 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐌𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐂𝐌𝐃𝐂

Lumagda ng Memorandum of Agreement o MOA sina MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Amerol-Macapaar, at Mosib M. Macabuat, kahapon ng Marso 13, 2024 sa Diamond Strip, Rapasun, MSU, Marawi City.

Si Mosib Macabuat ay isang restaurateur ng mga well-established restaurants sa Lanao del Sur mula pa dekada 90s, kasama na rito ang Diamond Strip, The Oquolus Coffeeshop, at Brasserie de la Bourse. Kaya naman naging inisyatibo ni Chief Macapaar na makipag-collaborate kay Macabuat.

Layunin ng pagladang ito na suportahan ang bagong direktiba ni TESDA Sec. Suharto Mangudadatu na dapat magkaroon ng hanggang limang (5) Industry Partners sa bawat qualifications ang mga TTI. Dito na rin gaganapin ang Job Shadowing ng mga trainees na kasama sa kanilang pagsasanay.

Patuloy ang MBHTE-TESD PCMDC sa pamumuno ni Chief Macapaar, sa pakikipag-kolaborasyon sa iba’t ibang ahensya, pribadong sektor at maging mga NGO o INGO upang lalong mapa-igting ang partnership sa mga Industry Partners.

#GanapSaPCMDC#TESDAAbotLahat#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *